Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Spaghetti Recipe:

 
 

MGA SANGKAP;

1 kilo ng spaghetti noodles
1 kilo giniling na laman ng baka
2 tasang hotdog (hiniwa ng iba't ibang hugis)
1 malaking pakete ng spaghetti sauce (sweet style)
1 bote tomato catsup
5 butil ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, hiniwa-hiwa kalahating bareta ng margarine
tasa ng keso, ginayat asin,paminta, asukal

PARAAN;

Lutuin ang spaghetti noodles ng ayon sa nakasulat sa pakete. Salain at ilagay sa isang tabi. Sa isang kawali, tunawin ang margarine. Igisa dito ang bawang at sibuyas. Ilagay ang baka. Palabasin ang katas ng baka sa loob ng 3 minuto. Ibuhos ang spaghetti sauce at catsup. Timplahan ng asin, paminta at asukal ng ayon sa panlasa. Pakuluin, Idagdag ang hotdog, Sa isang malaking bandehado, ilagay ang spaghetti noodles. Ibuhos sa ibabaw nito ang nilutong sauce. Budburan ng keso.

 

 

 
 

Copyright 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact