Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Biko Recipe:

 
 

MGA SANGKAP;

1 tasang bigas na malagkit
1 tasang kakang gata
2 tasang gata (pangalawang piga)
1/8 kutsaritang anis
2 tasang asukal

PARAAN;

Hugasan ang malagkit at salain. Ilagay ang gata at kakang gata kasama ang anis sa isang kawali. Idagdag ang malagkit at lutuin sa mahinang apoy. Haluin paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali. Kapag natutuyuan na, idagdag ang asukal at ipagpatuloy ang paghalo Hanggang lumapot. Palamutian ng latik sa ibabaw.

PAGLUTO NG LATIK;

Sa isang kawali, maglagay ng 3 tasang gata. Pakuluan ito sa mahinang apoy. Hintaying matuyuan. Kapag malapit ng matuyo, halu-haluin ito. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang matusta ang gata. Mapapansing magkakaroon ng latik. Iwasang huwag matusta ang latik.

 
 

Copyright 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact